Nanatiling positibo pa rin ang Malakaniyang sa lumabas na resulta ng pinaka huling survey ng Social Weather Survey (SWS) hinggil sa mga nawalan ng trabaho.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kaniyang ikinagagalak na hind 100% ang nawalan ng trabaho sa kabila ng matagal na lockdown.
Kaniya umanong ikinamamangha ang katatagan ng mga Pilipino sa ganitong klaseng sitwasyon.
Posible kasi aniyang mas naging malala pa sa nanging resulta ang kaniyang inaasahan dahil nga sa tagal ng pagiral ng lockdown.
Batay sa datos ng SWS survey, pumalo sa record-high na 45.5% ang adult joblessness rate nitong Hulyo.
Ito ang pinaka-mataas na adult joblessness rate sa bansa sa loob ng halos tatlong dekada.