Nagpaliwanag si Presidential Spokesman Sec. Harry Roque hinggil sa nagviral na video sa social media kamakailan.
Ito’y makaraang umani ng batikos si Roque nang makita ito sa video na kumakanta sa isang videoke sa Baguio City sa kabila ng pagiging abala ng pamahalaan na tulungan ang mga nasalanta ng kalamidad.
Ayon kay Roque, bahagi aniya ng unloading o pagbabawas ng pagod ang kaniyang ginawang pagkanta sa videoke dahil sa dami ng trabaho nitong nakalipas na linggo.
Subalit ikinagalit ito ng mga netizen lalo pa’t nababagalan sila sa pagtugon ng pamahalaan sa mga sinalanta ng kalamidad na hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin.
Paglilinaw ni Roque, hindi aniya tumitigil ang pamahalaan na tulungan ang mga nasalanta partikular ang mga biktima ng malawakang pagbaha sa Isabela at Cagayan Valley.