Maituturing na “excellent” ang pagtugon ng gobyerno sa pandemic.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Roque, nakontrol ng Pilipinas ang lalong pagkalat ng virus kahit na kulang sa mga pasilidad at kagamitan ang mga ospital sa bansa.
Dagdag ni Roque, kung ikukumpara sa mayayamang bansa mas mababa ang bilang ng mga nasawi na tinamaan ng virus.
Sinabi rin ni Roque, na mayroong mga lugar na kailangang paigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols dahil mabilis ang hawaan na nangyayari sa mga ito.
Samantala, patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat lalo na sa mga lugar laganap ang mga bagong variant ng COVID-19. —sa panulat ni Rashid Locsin