Inamin ni MMDA Chairman Benhur Abalos na mas gugustuhin niyang sundin ang posisyon ni DILG Secretary Eduardo Año na tuluyan nang ibasura ang mandatory use ng faceshield kahit walang approval ng IATF.
Sa kabila ito ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na “null and void” ang hakbang ni Manila Mayor Francsisco “Isko Moreno” Domagoso, na ipagbawal na ang faceshield sa lungsod, maliban sa critical areas.
Ayon kay Abalos, nasa ilalim siya at lahat ng Metro Mayors sa superbisyon ni Año, na suportado naman ang posisyon ni Domagoso na bawiin ang polisiya sa mandatory use ng faceshield sa lungsod ng Maynila kahit walang go signal mula sa IATF.
Gayunman, nilinaw ng dating alkalde ng Mandaluyong City na dapat na lamang hintayin ng Metro Mayors ang desisyon ng IATF upang maiwasan ang kalituhan. —sa panulat ni Drew Nacino