Nakatikim ng panunumbat mula sa health workers si presidential spokesman Harry Roque matapos nitong kastiguhin ang isang grupo ng mga doktor na nagbabala sa posibleng pagsirit pa ng COVID-19 cases kapag niluwagan ang restrictions.
Sinabihan ni Dr. Leni Jara ng Shape Up to Defeat COVID-19 group si Roque na tumigil na dahil sumosobra na ito sa pambabastos sa mga nagtatrabaho at aniya’y nagliligtas ng mga pasyente.
Pinagso-sorry rin ni Jara si Roque sa mga doktor dahil hindi aniya katanggap-tanggap ang pagiging stress nito para magsalita laban sa health professionals.