Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang sumailalim sa self-isolation matapos na magkaroon ng close contact sa isang nag-positibo sa COVID-19.
Sa isang pahayag sinabi ni Roque, na ang naturang hakbang ay kanyang ginawa makaraang magpositibo sa virus ang isa niyang staff.
Agad namang nag-pa-swab test si Roque at lumabas na negatibo ito sa virus, pero piniling ipagpatuloy ang self-isolation bilang pagtalima sa health protocols.
Dahil dito, pansamantalang hindi makadadalo si Roque sa anumang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng kanyang gabinete.