Inabandona na ni dating Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang planong pagtakbo bilang senador.
Inihayag ito ni Roque sa press briefing sa Malakanyang kung saan nama alam na rin sIya sa Malacañang Press Corps na nakasama niya sa isang taon nya bilang tagapagsalita ng Pangulo.
Ayon kay Roque, tatakbo sya bilang kinatawan ng Luntian Party list group na ang adbokasiya ay isulong ang para sa kapakanan ng kalikasan.
Inamin ni Roque na malaking bahagi ng kanyang desisyon ang hindi nya pag-akyat sa mga surveys.
I knew that it will be a very difficult climb to the Senate, if I will persist. We had 3 consecutive surveys, only the awareness was increasing, not the conversion, it was a hard reality to accept.
Ayon kay Roque, wala siyang pinagsisisihan na naging spokesman siya ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panahon aniya ng pagiging tagapagsalita ng Pangulo, kinailangan niyang isantabi ang sarili nyang opinyon sa mga isyu subalit ito ay bahagi aniya ng paglilingkod niya at suporta sa administrasyon para sa bansa.
Gayunman, ngayon anyiang bumitiw na siya bilang spokesman ng Pangulo ay puwede na niyang ipahayag muli ang kanyang mga opinyon sa mga isyu.
It’s time to be my own person again