Tiwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na magdedeklara ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Luzon.
Ito ay bunsod ng matinding epekto ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo sa Luzon sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay Roque, natanggap na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa pagsasailalim sa Luzon sa state calamity.
Oras na maideklara ito, mas mabilis nang maipalalabas ang nakalaang pondo para magamit ng mga lokal na pamahalaan sa disaster relief.
Habang mabibigyan naman ng kapangyarihan ang pamahalaan na kontrolin ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin.
Una na ring na ipina-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng build back better task force para mapabilis ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.