Pinayuhan ni Presidential Spokesman Harry Roque si UN Rapporteur Agnes Callamard na iwasang magtungo sa isang bansa kung hindi siya imbitado tulad ng ginawa niya sa Pilipinas.
Ginawa ito ni Roque kasunod ng panibagong pagbira ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Callamard at binantaan pa itong sasampalin kapag sila ay nagkita.
Ipinaliwanag ni Roque na bagamat ang pagbisita ni Callamard sa bansa noong Mayo ay para dumalo lamang sa isang pulong, patuloy naman itong nagbibigay ng komento hinggil sa mga di umano’y paglabag sa kaparatang pantao ng administrasyon.
But she still made her comments on a matter that should be investigated first.
So, the position of the policies, how could you have come up with conclusions which she has not yet conducted an investigated.
So, to us, because you already had conclusions even before investigations, she has reconceived conclusions about the issue of alleged killings on drug war.
Mga maka–kaliwang grupo hindi pa ituturing na legal front ng CPP–NPA–NDF
Nilinaw ng Malakanyang na hindi otomatikong ituturing na legal front ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP – NPA – NDF ang mga maka – kaliwang grupo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, siguradong kukuha ng payo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa aniyang security at intel group kung aling mga grupo ang nakikipagsabwatan sa NPA para maghasik ng rebelyon.
Tiniyak ni Roque na alam ng Pangulo ang legalidad ng sinasabi niyang pagpapa – aresto sa legal front ng CPP – NPA – NDF dahil dati itong prosecutor.
Ang legal basis ng ating Presidente ay conspiracy.
The lawyers of course will take care of these, the President has not yet declared. I’m sure he will be guided by security and intelligence agency of the government.