Tanging sina Presidential Spokesman Harry Roque at Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere lamang ang otorisadong magsalita para sa gobyerno sa isyu ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi naman tinukoy ang dahilan sa pagpapalit ng communication strategy.
Una nang inihayag ni Roque na wala siyang alam sa nasabing desisyon.
Bago ang direktiba si Cabinet Secretary Karlo Nograles ang sumasalang sa araw araw na briefing hinggil sa laban sa COVID-19 bilang siyang tagapagsalita ng inter agency task force for the management of emerging infectious diseases.