Walang sakit ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque subalit malungkot aniya ang Pangulong Duterte sa nangyaring pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.
Sinabi ni Roque na ang pangulo ay tumatayo nang parang tatay ng mga sundalo kayat nalulungkot ito sa nangyari na parang namatayan siya ng mga anak.
Inamin ni Roque na naging emosyonal ang pangulo kayat garalgal ang boses nito habang nagsasalita sa Zamboanga City nuong biyernes at walang kinalaman sa kalusugan ang pagiging matamlay nito.