Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang pagbubukas sa ruta ng roll on roll off ferry na magdudugtong sa General Santos, Davao at Bitung sa Indonesia.
Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ni Duterte na makatutulong ang nasabing ruta sa kalakalan at turismo ng dalawang bansa.
Dahil anya rito magiging dalawa hanggang tatlong araw na lang ang dating limang linggo biyahe sa paghahatid ng mga kalakal.
Ayon pa sa Pangulo, isa lang ang Davao-General Santos-Bitung route sa mga ruta ng barko na bubuksan para pagdugtungin ang mga bansa ng ASEAN.
Binigyang diin naman President Widodo sa kanyang talumpati sa Davao City ang kahalagaan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga nasa probinsya dahil gaya anya ni Duterte naging alkalde rin siya ng isang syudad na malayo sa kabisera ng Indonesia.
By: Jonathan Andal