Sugatan ang isang pasahero ng MV Asia Philippines matapos magliyab ang barko sa bisinidad ng Batangas Port kahapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), isinugod na sa pinakamalapit na ospital ang nasugatan.
Nagpapatuloy naman ang Search and Rescue operation sa lahat ng sakay ng barko.
Sa datos ng PCG, 48 pasahero at 34 na crew ang sakay ng barko nang ito ay mag-apoy.
Maliban pa ito sa 16 na rolling cargoes, pitong private vehicles, dalawang motor at pitong truck.
Patuloy namang iniimbestigahan ng PCG ang sanhi ng pagliyab ng barko.