Sobrang hirap.
Ganito isinalarawan ni Valentine Rosales ang dinaranas ngayon matapos na masangkot sa pagkamatay ng babaeng flight attendant na si Christine Dacera.
Sa panayam ng Serbisyong Lubos sa Otso Otso Dos, inilahad ni Rosales, ang hirap ng kanyang dinaranas matapos siyang itakwil ng sariling ama dahil sa kinasangkutang isyu.
Dagdag pa ni Rosales, ang tanging hiling niya ngayon ay magkaroon na ng kasagutan sa kasong ito.
Sa totoo lang, sobrang hirap sakin kasi yung kakampi ko dapat, no. 1 supporter ko; tinaboy niya ako nung nangyari ito. Kaya sa ngayon hindi ko muna iniiisip, kasi kapag inisip ko baka mas lalo akong mag-breakdown kaya ini-ignore ko na lang muna, ang kino-concentrate muna is sana matapos na itong kasong ‘to,” ani Rosales
Sa huli, hiling ni Rosales sa pamilya Dacera na sana’y tumigil na aniya sa panggigipit sa kanila dahil napatunayan naman aniya na wala silang kinalaman sa pagkakasawi ng kanilang kaibigan na si Christine at sa halip isa aniya ‘natural cause’ ang ikinamatay ni Dacera.
Ang masasabi ko lang sa pamilya Dacera, maawa na po sila sa ginagawa nila samin, pinipilit nila na may nangyaring foul play kahit wala naman, lahat ng resulta na nanggaling sa kanila ay sinasabi natural cause yung nangyari,” ani Rosales sa panayam ng Serbisyong Lubos sa Otso Otso Dos