Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation o NBI ang dating government witness na si Mary Rose “Rosebud” Ong at tatlong iba pa dahil sa umano’y pagbebenta ng AstraZeneca vaccination slots sa mga Chinese nationals sa Pasay City.
Ayon sa NBI, kabilang sa mga kinasuhan sina Rosebud, Peter Ong (kapatid ni Rosebud), Warlito Mabanan, at Ferdinand Mabalo na Barangay Secretary sa nasabing lungsod.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang James Christian Sucgang at Chinese national na si Sam Lo dahil sa umano’y pagbebenta ng vaccination slots ng isang grupo sa Pasay.
Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong estafa at paglabag sa Ease of Doing Business Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Matatandaang isa si Rosebud sa mga tumestigo sa Kuratong Baleleng rubout case noong 1990s laban kay dating Philippine National Police chief at ngayo’y Sen. Panfilo Lacson.