Temporarily grounded o pansamantalang hindi papayagang lumipad ang buong fleet ng rotary–wing aircraft ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng nangyaring pagbagsak ng chopper na sinasakyan ni PNP Chief General Archie Gamboa at iba pa.
Ayon kay acting PNP spokesman Major General Benigno Durana Jr., napagkasunduan ng PNP command at quad staff na grounding ng buong fleet ng rotary wing aircraft upang magbigay daan sa gagawing imbestigasyon sa insidente.
Matatandaang pa take off ang Bell 429 helicopter sakay si Gamboa at iba pang opisyal nang sumabit ito sa high–tension wire dahilan para bumagsak ito.