Namemeligrong makaranas ng rotating brownouts sa bansa sa ikalawang quarter ng taon.
Ito ang ibinabala ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) kung hindi masosolusyonan ang ilang problema sa power o energy sector.
Ayon kay ICSC Senior Policy Advisor Pete Maniego Jr., may dalawang rason na hindi isinama sa mga naunang projections ng National Grid Corporation of the Philippines.
Una ay ang weekly demand, supply at operating margin sa 2023 report ng NGCP Kung saan inihayag nitong sapat ang operating reserves sa 2nd quarter, partikular sa April 24 hanggang May 28, 2023.
Bagaman napaka-positibo ng ganitong projected margins, inihayag ng ICSC Na maaaring hindi ito sumasalamin sa aktuwal na operasyon ng grid
Binigyang-diin ni Maniego na wala rin silang nakikitang improvement sa supply mula sa coal at fossil gas power plants.
Dahil dito, posible anyang makaranas ng yellow at red alerts status, na maaaring sabayan ng rotating blackouts, sa ikalawang quarter o mula Abril hanggang Hunyo kung hindi matutugunan ang ilang nabanggit na problema.