Inanunsiyo ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na maaaring maapektuhan ng rotating brownout ang halalan sa Mayo a-nuwebe.
Ayon kay ICSC Chief Data Scientist Jephraim Manansala, maaarii ring maapektuhan nito ang pagbibilang ng boto.
Nabatid na naglabas ng memo ang nasabing ahensiya noong buwan ng Pebrero kaugnay sa tight’ power supply outlook ang ikalawang quarter ng taon kaya naman matatamaan ang araw ng eleksyon.
Samantala, kinumpira naman ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na magkakaroon ng rotating brownout sa buong Luzon grid sa panahon ng eleksyon. – sa panulat ni Mara Valle