Muling tiniyak ng Department of Energy (DOE) na magiging sapat ang supply ng kuryente para sa mga polling precinct sa national at local elections sa Mayo 9.
Ayon kay Energy Secretary Zenaida Monsada, stable ang power supply sa Luzon at Visayas grid maliban sa ilang lugar sa Mindanao kung saan posibleng magkaroon ng rotating brownouts.
Tatakbo anya sa mababang capacity na aabot sa 48 megawatts ang natural-gas fired san gabriel power plant sa ilalim ng isang commissioning status sa araw ng eleksyon gayundin ang 100 megawatt avion natural gas fired power plant sa Batangas.
Samantala, umaasa naman ang kalihim na hindi magreresulta sa forced shutdowns ang mga plantang kasalukuyang nag-ooperate.
By Drew Nacino