Siniguro ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kanilang itutuloy ang pagpapalitan ng Special Action Force at Philippine Marines sa pagbabantay sa New Bilibid Prisons (NBP).
Sinabi ni Aguirre na kanilang gagawin ang rotation sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan na sinimulan noong Hulyo 20.
Mahalaga aniya ang regular na pagpapalit ng bantay sa Bilibid para matanggal ang posibilidad na maging pamilyar at malapit ang bantay sa kanilang mga binabantayan.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)