Nagbabala ang pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hinggil sa mas mahabang pag-iral ng rotational blackouts na posibleng maranasan ng mga kababayan natin sa Luzon ngayong araw.
Sa abiso ng NGCP, makararanas ng ‘red alert’ mga lugar na nasa ilalim ng Luzon grid mula kaninang alas-10 ng umaga hanggang mamayang alas-5 ng hapon.
Matapos nito, inaasahan namang babalik ito sa normal mamayang alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Mababatid na kakulangan ng suplay ng enerhiya sa mga powerplant ang dahilan ng rotational blackout.