Isinailalim na ng National Grid Corporation ang buong Pilipinas sa red power alert status.
Nangangahulugan ang red alert status na hindi na kayang tugunan ng supply ng kuryente ang demand o pangangailan dito.
Ayon sa tagapagsalita ng NGCP na si Cynthia Perez-Alabanza, asahan na ang rotational brownout.
Martes pa lamang, aniya, ay nakita na ang sobrang pagnipis ng kuryente.
Bunsod umano ito ng sobrang init ng panahon.
Sa datos ng PAGASA, naitala noong Martes ang pinakamataas na heat index na 52.3 degrees celcius sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
By Avee Devierte