Posible pa ring maranasan ang salit-salitang brownout sa mga susunod na linggo hanggang sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chair ng senate committee on energy, batay sa sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), inaasahan pa rin ang manipis na suplay ng kuryente ng mga planta sa Hulyo.
Hindi rin aniya tiniyak sa kanila ng Department of Energy (DOE) na hindi na mararanasan ang salit-salitang brownout.
Kaugnay nito, naniniwala si Gatchalian na pare-parehas na may pagkukulang ang NGCP, Energy Regulatory Commission at Department of Energy sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon.