Hindi tinutulugan ng gobyerno ang problema sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa ibang bahagi ng Mindanao.
Tugon ito ng Palasyo sa matagal ng sakripisyo ng mga taga-Mindanao na nakararanas ng apat hanggang siyam na rotational brownout.
Sinabi ni Presidential Communication secreTary Sonny Coloma na base sa report ng Department of Energy (DOE), inaasahang mababawasan na ang rotational brownout sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay Coloma, isa sa mga problema sa suplay ng kuryente sa Mindanao ang bumababang water level sa Angus-Pulanggi Hydroelectric Power Plant.
Nilinaw din ni Coloma na hindi naman ang buong Mindanao ang nakararanas ng rotational brownout.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)