Magtutuluy-tuloy ang rotational water interruption ng Manila Water dahil nananatiling nasa below critical level ang Angat Dam.
Ayon kay Kristine Jessah Guevarra, pinuno ng business operations support ng Manila Water, magiging normal na ang kanilang serbisyo kapag umabot na sa 180 meters ang antas ng tubig ng nasabing dam.
Sinabi ni Guevarra na hindi sumapat ang ulang dala ng bagyong Falcon para mapunan ng tubig ang Angat Dam.
Maging ang Maynilad ay tuluy-tuloy din sa pagpapatupad ng water interruption schedules dahil hindi pa rin sapat ang supply ng tubig na nakukuha nila sa Angat Dam.