Planong muling ihain ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang Mandatory ROTC o Reserve Officers’ Training Corps Bill sa pagpasok ng 19th Congress sa Hulyo a-25.
Ayon kay Dela Rosa, ang ROTC Bill na kaniyang ihahain ay mild version lang kumpara sa Mandatory 2-year military service na isinusulong ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Layunin ng naturang panukala na magkaroon ng ROTC Program sa Grade 11 at 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Matatandaang noong 2002, naging optional ang mandatory Military Training sa kolehiyo kasunod na rin ng pagkamatay ni University of Santo Tomas Student Mark Chua na napaslang umano ng mga opisyal ng ROTC matapos niyang ibunyag ang irregularidad sa paghawak ng pondo nito.