Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mandatory Reserve Officers Training Corps o ROTC sa kolehiyo.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na pag-aralan ang National Service Training Program Act of 2011 para muling buhayin ang mandatory ROTC sa mga college student.
Ayon sa Pangulo, nawawala na ang disiplina sa mga kabataan pati na ang pagmamahal at malasakit sa bayan kaya’t marapat na ibalik ang ROTC.
Pero, nais makatiyak ng Presidente na hindi maabuso ang ROTC at isaalang-alang ang seguridad ng mga estudyante.
Matatandaang inalis ang ROTC sa kolehiyo dahil nagiging daan umano ito ng pang-aabuso at hazing sa mga estudyante.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)