Pirma na lang ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kailangan para maiakyat sa kongreso ang panukalang pagbuhay sa Reserve Officers Training Corps o ROTC.
Ayon kay Defense Undersecretary Ed Del Rosario, sa ilalim ng inihanda nilang panukala, gagawing mandatory ang ROTC sa grade 11 at grade 12, sa babae at lalaki.
Pero babawasan na, aniya, ang military training na karaniwang inirereklamo noon habang daragdagan naman ang pagsasanay sa disaster management.
Sakali aniyang mapagtibay sa susunod na taon, target ng Department of National Defense na maipatupad na ang ROTC sa taong 2018.
Kung maalaala, tinututulan ng ilang grupo ng mga estudyante ang panukalang pagbuhay sa ROTC dahil sa ilang insidente noon ng umano’y pang-aabuso at korapsyon.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal