Aprubado na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pinakabagong round of rules sa peso-denominated Real Time Gross Settlement System (RTGS) o PhilPassplus.
Ito ay matapos italagang Systemically Important Payment System (SIPS).
Ang BSP ay nag-amyenda sa RTGS PS rules na maaring magdulot ng systematic risk at banta sa katatagan ng national payment system (NPS) upang masiguro ang sirkulasyon ng pera o paggalaw ng pondo sa bansa.
Inaprubahan ito sa Circular Memo o Memorandum No. M-2022-049 para sa pagpapanatili ng presyo at katatagan ng pananalapi gayundin ang interes ng publiko.
Samantala, nangangasiwa ang monetary board sa RTGS-PS management committee o ManCom para sa ligtas, mahusay at maasahaang operasyon nito. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla