Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ang roving vaccination sa mga condominium para mas marami pa ang mabakunahan kontra COVID-19.
Ito ang pagbabahay-bahay sa mga condominium para sa mga nasa a1 hanggang a5 category at nalalabing adult population para turukan sila ng booster shot.
Samantala, patuloy ang pamahalaang Lokal ng lungsod sa panghihikayat sa mga residente na magpabakuna at maging protektado laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nasa 516,129 na ang bilang ng fully vaccinated sa Mandaluyong City at 181,305 naman dito ang nakapagpa-booster shot na. —sa panulat ni Kim Gomez