Muling sumiklab ang mainit na batuhan ng isyu nina dating DILG Secretary Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte sa ikatlong yugto ng presidential debate.
Ito’y matapos kuwestiyunin ni Duterte ang pahayag ni Roxas na 100 porsyento ng mga Pinoy ay ‘covered’ ng mga benepisyo ng PhilHealth.
Sa debate na ginanap sa University of Pangasinan, iginiit ni Duterte na puro pangako lamang ang Aquino administration at hindi naman nito natutupad.
Subalit, hinamon ni Roxas si Duterte na mag-withdraw sa halalan kapag napatunayan nitong libu-libong Davaoeños ang nakinabang sa PhilHealth insurance ng gobyerno.
Ayon kay Roxas, hindi si Duterte ang karapat-dapat na maging pangulo kundi siya.
Gayunman, binigyang diin ni Duterte na kung talagang gusto ng mga tao si Roxas ay bakit umano mababa ang rating nito sa mga survey.
By Jelbert Perdez