Nakahanda si dating Department of the Interior and Local Government secretary Mar Roxas na humarap sa kahit anong imbestigasyon hinggil sa binuo nilang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Gayunman, hindi maiwasan ni Roxas ang umalma sa direktiba ng Office of the Ombudsman na dapat nilang ipaliwanag ni Senador Leila De Lima ang IRR ng GCTA law gayung ang dapat na iniimbestigahan ay yung mga nagpakawala sa mga convicts.
Ayon kay Roxas, nagtataka sya kung bakit ang IRR ang pinupuntirya at tila sinisisi sa pagpapakawala ng mga convicts ng heinous crimes sa ilalim ng GCTA sa halip na yung mga taong nasa likod nito.
Alam anya ng mga opisyal ng gobyerno na ang mga IRRs ay laging naka-angkla sa kung ano ang sinasabi ng batas at kahit kailan, hindi pwedeng mamayani ang IRR lamang sa isang batas.