Hindi patitinag si Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa pinakabagong survey result na inilabas ng Pulse Asia.
Sa naturang survey ay nasa ika-apat na puwesto si Roxas habang nangunguna naman si Vice President Jejomar Binay at halos magpantay sa ikalawang puwesto sina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roxas, magulo pa ang mga survey na lumalabas kung saan noong nakalipas na buwan ay si Poe ang nangunguna habang nitong nakaraang linggo ay si Duterte naman.
Aniya, posibleng sa susunod na survey ay siya naman ang manguna dito.
Sa huli ay sinabi ni Roxas na ang pinakamahalagang survey ay ang mismong botohan sa Mayo.
By Rianne Briones