Dapat ding siyasatin ng Ombudsman si dating Department of Transportation and Communication at Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa mga anomalyang kinasasangkutan ng DOTC.
Ito ang panawagan mismo ni MRT holdings incorporated owner Robert Sobrepeñas sa Ombudsman makaraang irekumenda ng senado na papanagutin sa kasong graft ang kasalukuyang DOTC Secretary na si Joseph Emilio Abaya.
Maliban kay abaya at sa iba pang mga opisyal ng DOTC, sinabi ni Sobrepeñas na may posiblidad na sangkot din si Roxas bilang dating kalihim bago si Abaya kung kailan lalong lumala ang sitwasyon ng MRT line 3.
Bagay na sinalag naman ng kampo ni Roxas sa pagsasabing walang kredibilidad si Sobrepeñas para magbato ng ganitong akusasyon.
Giit ni Rep. Barry Gutierrez, Tagapagsalita ng Daang Matuwid coalition, sangkot din sa nasabing maanomalyang transaksyon si Sobrepeñas kaya’t wala siya sa posisyon para magbigay ng pahayag hinggil dito.
By: Jaymark Dagala