Kinumpirma ni Administration standard bearer Mar Roxas na nakikipag-usap na siya kay Senador Alan Peter Cayetano kaugnay sa 2016 Presidential Election.
Ayon kay Roxas, magkakilala naman sila ni Cayetano lalo’t naging deputy majority leader niya ito noong nasa Kamara pa lamang sila.
Hindi naman masabi ng dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung ang Bangsamoro Basic Law ang “deal breaker” upang pumayag si Cayetano na kanyang maging ka-tandem.
By Drew Nacino