Nangako si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na kaniyang ipagpapatuloy ang mga nasimulang reporma ng yumaong kalihim Jesse Robredo.
Inihayag ni Roxas ang pagbibigay-pugay sa yumaong kalihim sa paggunita sa ika-57 taong kaarawan nito ngayong araw.
Sa kaniyang inilabas na kalatas, pinapurihan ni Roxas ang mga nagawa ni Robredo sa kagawaran bilang isa sa mga leading advocates ng daang matuwid ng administrasyon.
Magugunitang nasawi si Robredo sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nito noong Agosto ng taong 2012 sa karagatang sakop ng Masbate.
By Jaymark Dagala