Naungusan na ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong survey, ayon kay Caloocan Representative Edgar Erice.
Sa isang panayam kay Erice, sinabi nitong batay sa Social Weather Stations o SWS survey, pumangalawa si Roxas sa listahan ng mga gusto ng publiko na maging susunod na pangulo. Habang si Binay naman ay nasa ikatlong pwesto at si Senadora Grace Poe ang siya pa ring numero uno.
Ayon pa sa kongresista, sa tatlong kakandidato sa pagka-presidente, si Roxas ang may pinakamalaking iniangat ang numero. Anya, double digits ang nadagdag kay Roxas habang sina Poe at Binay ay bahagya lamang ang itinaas ng numero.
Isinigawa ang survey noong unang bahagi ng buwang ito. Ito na ang ikatlong serye ng survey kung saan sina Poe, Roxas at Binay ang pinagpipilian ng mga tinatanong.
By: Jonathan Andal