Nakatakda nang magbalik-operasyon ang Roxas Night Market sa lungsod ng Davao makaraang matigil ang operasyon nito noong Marso dahil sa banta COVID-19.
Ayon kay Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio, inaasahang sa ika-2 o ika-3 linggo ng Setyembre muling bubuksan ang sikat na pasyalan sa lungsod.
Dagdag pa ni Duterte-Carpio, ang naturang hakbang ay para matulungan ang mga negosyante sa Roxas Night Market na muling makabangon sa naging epekto ng pandemya.
Pero pagdidiin ni Mayor Duterte-Carpio, kasunod ng pagbubukas ng naturang pasyalan, may paiiralin din na alituntunin gaya ng shifting sa mga magbebenta, at 25% ng kabuuang magbubukas na stalls, para matiyak ang kaligtasan ng mga negosyante at mga parokyano ng night market kontra COVID-19.