Pormal nang inalok ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang biyuda ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na si Camarines Sur Representive Leni Robredo para maging kanyang running mate sa 2016 elections.
Ayon kay Robredo, tinawagan siya ni Roxas kahapon matapos mag-anunsyo si Senador Chiz Escudero na tatakbo ito bilang katambal ni senadora at presidential candidate Grace Poe.
Sinabi ni Robredo na kanya pang pag-iisipan ang alok na ito ni Roxas.
Matatandaang unang kinukunsidera ni Roxas na maging running mate sa 2016 ay si Senadora Grace Poe na nagpasya namang tumakbo sa pagkapangulo.
By: Ralph Obina