Tumanggi si dating DILG Secretary Mar Roxas na mapasama sa Senatorial line up ng Liberal Party para sa 2019 midterm elections.
Ito ang inamin ni LP President Senator Kiko Pangilinan matapos aniya niya makausap ang dating kalihim at Senador.
Ayon kay Pangilinan, marami pa rin ang humihikayat kay Roxas na muling tumakbo at sumubok sa politika pero sinabihan na aniya siya ng dating LP standard bearer na huwag na siyang isama sa line up ng partido.
Samantala, sinabi ni Pangilinan na plano pa nilang dagdagan ang kanilang line up pero nakadepende pa rin aniya ito sa paninidigan ng mga kukunin nilang kandidato sa mga pangunahing isyu sa bansa.
Una nang inihayag ni Pangilinan na nasa anim pa lamang na mga personalidad ang tiyak nang pasok sa kanilang Senatorial slate para sa eleksyon sa susunod na taon.