Kinumpirma ng pamilya ni dating Ambassador Roy Señeres na ang anak nitong si Roy Jr. ang mamumuno ngayon sa OFW Family Club o OFWFC.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Mrs. Minerva Señeres na ito’y dahil si Roy Jr. ang first nominee ng naturang partylist organization.
Tiniyak din ni Mrs. Señeres na ipagpapatuloy ng OFWFC ang pagtataguyod at pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa na siyang adbokasiya ng yumaong ambassador.
By Jelbert Perdez