Posibleng makansela ang royal visit sa bansa ni Princess Astrid ng Belgium sa susunod na taon.
Ayon kay Brussels State Secretary for External Trade Cecile Jodogne, bunsod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa itong maging Adolf Hitler at pumatay ng may 3 milyong adik sa droga.
Sinabi ni Belgian diplomat na posibleng sa ibang bansa na lamang nila isagawa ang misyon dahil sa mga naging pahayag ng Pangulo.
Ang pagbisita ni Princess Astrid sa Pilipinas ay naka-iskedyul sana sa Mayo ng susunod na taon.
Maliban sa Hitler comment ng Pangulong Duterte, matatandaang binabanatan din ng Pangulo ang European Union kung saan naman miyembro ang bansang Belgium.
By Ralph Obina
Photo: UN Geneva