Inabangan at sinubaybayan ng buong mundo ang makasaysayang royal wedding nina Prince Harry at dating Hollywood actress Meghan Markle na ginanap sa Saint George Chapel, sa Windsor Castle, sa London, Britanya.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Britanya, lalong napalapit ang British royal family sa masa o mga pangkaraniwang tao partikular sa tinatawag na African race.
Ito’y dahil bukod sa pagiging commoner, nagmula ang angkan ni Princess Meghan sa Africa sa pamamagitan ng kanyang inang si Doria Ragland na isang Afro-American.
Ang mga Black o Afro ang itinuturing noong panahon ng pananakop ng mga Briton sa Amerika at ilang bahagi ng Africa na pinaka-mababang uri at pinaka-inaalipustang lahi.
Gayunman, sa pagkakataong ito namayagpag ang African race lalo’t pinangunahan din ng isang Afro-American na si Most Reverend, Bishop Michael Curry, Pangulo ng US Episcopalian church ang misa at sermon sa kasal nina Harry at Meghan.
Sumentro ang makabuluhang sermon ni Bishop Curry sa “kapangyarihan ng wagas na pag-ibig” at matapos iproklama bilang mag-asawa at Duke and Duchess of Sussex, inilibot ang bagong kasal sa paligid ng Windsor castle lulan ng karwahe.
The Duke and Duchess of Sussex gather with their family and friends outside the Chapel, and are greeted by 200 guests involved with organisations closely associated with the couple #RoyalWedding pic.twitter.com/L8MX4me9t7
— The Royal Family (@RoyalFamily) May 19, 2018