Hinimok ng gobyerno ang Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na isama ang RT-PCR testing sa kanilang COVID-19 coverage para sa mga indibidwal na naka-home isolate.
Kasunod ito ng tanong kung bakit hindi libreng ini-aalok ang RT-PCR testing sa Pilipinas.
Ayon kay acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Alexei Nograles, dapat na itong sakupin ng PHILHEALTH sa pamamagitan ng pagdagdag ng packages na ini-aalok sa publiko.
Kung ang pasyente ay asyptomatic, dapat nang sakupin ng state insurer ang gastos nito sa testing.
Pero kung ang suspected na pasyente ay nakakaranas ng sintomas, kailangan nitong magtungo sa mga laboratoryong accredited ng PHILHEALTH. —sa panulat ni Abigail Malanday