Inalis ng South Korea ang COVID-19 reverse transcription Polymerase Chain Reaction para sa mga inbound travelers na epektibo simula kahapon, October 1.
Ayon sa official website ng Korea Tourism Organization, bumaba mula 1.3% ang rate ng confirmed cases mula sa overseas visitors noong Agosto habang .9% naman noong Setyembre.
Unang inalis ang mandatory pre-departure COVID-19 testing requirement para sa inbound travelers, noong nakaraang buwan.
Ipinagbabawal ang walk-ins sa Taguig Office ng South Korean Embassy habang ikinokonsidera ang aplikasyon na ipinapasa sa pamamagitan ng accredited travel agencies.
Ngunit, tumatanggap pa rin ang embahada ng Online Visa Application appoinments. —sa panulat ni Jenn Patrolla