Inalis na ng Davao City ang mandatory RT-PCR testing requirement sa mga dumarating na air passenger sa gitna ng pagbaba ng Covid-19 cases sa Davao Region.
Ayon sa Davao City LGU, pansamantalang ipinatigil ang implementasyon ng mandatory testing ordinance simula ngayong araw.
Marso nang ipatupad ng Davao City ang Ordinance 0477-21 na nagmamandato ng swab test sa mga pumapasok sa lungsod mula sa Davao International Airport.
Kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 2 ang rehiyon hanggang Nobyembre a-30. —sa panulat ni Drew Nacino