Hinikayat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB ang mga employer sa Western Visayas na ipatupad na ang bagong minimum wage order na magiging epektibo sa June 5.
Ayon kay Labor and Employment Regional Director at RTWPB chair Sixto Rodriguez Jr., pinagtibay na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order sa rehiyon noon pang Mayo 17.
Nakasaad sa wage order na mula sa dating P315 ay magiging P410 na ang minimum wage rate sa agricultural sector sa Western Visayas.
Ang buwanang sahod naman ng mga kasambahay ay magiging P4,500 mula sa dating P4,000.
Samantala, nilinaw ni Rodriguez na maaari pa ring umapela ang mga employer hinggil sa nasabing kautusan.