Nagpakawala ng warning shots at rubber bullets ang mga pulis sa Myanmar bilang babala sa daang libong nagwewelga kaugnay sa kudetang nagaganap sa doon.
Dahil dito, nagtamo ng ilang sugat ang mga raliyista kabilang na ang isang 19 taong gulang na babae na nasa kritikal na kondisyon matapos tamaan ng bala sa ulo.
Matatandaang, binomba rin ng mga pulis ng tubig ang mga raliyista sa Myanmar noong ikalawang araw ng pagpoprotesta ng mga ito.
Batay sa ulat ng Reuters, sinara na rin ng mga pulis ang ilang mga tulay sa lungsod ng Yangon upang pigilan ang pagdagsa ng lumalaking bilang ng mga nagwewelga.
Tinatayang ito ang pinakamalawak na kilos protesta sa Myanmar magmula noong taong 2007.— sa panulat ni Agustina Nolasco