Sumakabilang buhay na si Sunshine Coast Falcons Player James Ackerman matapos ma-ospital ng ilang araw dahil sa natamong head injury sa kanilang laro noong Sabado.
Nabatid na nasa dikitang laban ang Falcons at ang katunggaling North Devils para sa Queensland Cup match nang mangyari ang insidente.
Si Ackerman, 25-anyos ay unang nilapatan ng lunas sa Bishop Park bago nadala sa ospital sa Brisbane.
Ang sitwasyon ayon kay Queensland Rugby League Managing Director Robert Moore ay pinaka-traumatic na inabot ng kanilang liga na labis-labis nilang ikinalulungkot.
Inilarawan ng team si Ackerman bilang champion guy kaya’t masakit na nawalan sila nang itinuturing na lider.
By Judith Larino