Tuloy pa rin ang pagreretiro ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa, may kapalit man o wala.
Ito’y ayon kay PNP Spokesman P/Bgen. Bernard Banac ay dahil sa obligadong bakantehin ni Gamboa ang kanyang posisyon bilang PNP chief pagsapit ng kaniyang ika-56 na kaarawan sa Setyembre a-2 na mandatory retirement age sa uniformed service.
Sa panayam ng DWIZ kay Banac, sakaling wala pa ring mapili si Pangulong Rodrigo Duterte na papalit kay gamboa pagsapit ng Setyembre a-2, awtomatikong hahalili sa kaniya bilang officer in charge ang number 2 man ng PNP na si Deputy Chief for Administration P/LtG. Camilo Cascolan.
By rule of succession, ang next command ay si Deputy Chief for Administration P/LtG Camilo Cascolan ang siyang pansamantalang magiging caretaker o OIC upang mamahala po ng PNP. Nasa pangulo lanng talaga kung kailan niya papahayag o mayroon na siyang napili o wala. Kung anong man ang magiging takbo handa naman ang PNP at tuloy-tuloy ang paganap ng aming tungkulin. ani Banac
Bagama’t maaari namang ma-extend si Gamboa bilang PNP chief dahil sa kasalukuyang krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, sinabi ni Banac na ipinauubaya na nila kay Pangulong Duterte ang pagpapasya hinggil dito.
Maari rin ianunsyo ng pangulo na dahil sa pandemya na kinakaharap maaring rin ma-extend. Ang presensya nito nakaraan si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dating PNP chief na na-extend ng tatlong buwan nasa pangulo talagang ang magpapasya. ani Banac sa panayam DWIZ